ABISO SA PANGANIB NG PAGSISIWALAT

RISK DISCLOSURE NOTICE

BABALA: Kontrata para sa Pagkakaiba (Contract for Difference) ay masalimuot na pinansiyal na mga produkto, karamihan sa mga ito ay walang itinakdang petsa. Samakatuwid, ang isang CFD posisyon ay natatapos sa petsa na pinili mong isara sa isang bukas na posisyon. Ang CFDs ay isang leveraged product, na kung saan may mataas na antas na panganib na maaaring magresulta sa pagkawala ng lahat ng iyong pinuhunan. Bilang resulta, ang CFDs ay maaaring hindi angkop para sa lahat ng mga indibidwal. Hindi mo dapat ipagsapalaran ang hindi mo handang mawala sayo. Bago ang pagpapasya sa kalakalan, dapat mong tiyakin na nauunawaan mo ang mga panganib na kasama nito at isinasaalang-alang ang iyong antas ng karanasan. Humingi ng payo kung kinakailangan.

1. SAKLAW NG PAUNAWA

1.1 Dapat tandaan na hindi lahat ng panganib at aspeto sa kalakalan na sangkot ang CFD’s ay nakapaloob sa Abisong ito; kailangan mong tiyakin na ang iyong mga desisyon ay ginawa batay sa iyong kaalaman.

2. PAGLALARAWAN NG PRODUKTO

2.1 Ang CFD ay isang kasunduang pagbili o pagbenta ng isang kontrata na sumasalamin sa pagganap, katulad ng iba sa forex, mahalagang metals, futures at shares; ang kita o lugi ay tinutukoy na pagkakaiba sa pagitan ng presyo nang binili ang isang CFD hanggang sa ito ay maipagbili o kabaligtaran. Ang palitan ng CFD’s ay nasa palugid at ito ay walang pisikal na paghahatid ng alinman sa mga CFD o kalakip na pangyayari. Dapat din tandaan na kapag bumili ka ng, halimbawa, bahagi ng CFDs ikaw ay nakikipagsapalaran lamang sa alinman- pagtaas o pagbaba ng bahagi ng halaga.

2.2 Ang CFDs ay nagbabago ng halaga sa araw; ang halaga ng paggalaw ng CFDs ay natutukoy sa partikular na mga kadahilanan, ngunit hindi limitado sa impormasyon sa merkado.

3. PAGGANAP

3.1 Dapat tandaan na ang nakaraang pagganap ng CFDs ay hindi isang kapaki-pakinabang na tagapagpahiwatig ng pagganap nito sa hinaharap.

4. PANGUNAHING PANGANIB NA KAUGNAY NG TRANSAKSYON SA CFDs

4.1 Bago makipagkalakalan ng CFDs, kailangan mo matiyak na nauunawaan mo ang mga panganib na kalakip nito. Ang CFDs ay leveraged products; samakatuwid, dala nila ang mataas na antas ng panganib sa iyong kapital kumpara sa iba pang pinansiyal na mga produkto. Ang halaga ng CFDs ay maaaring tumaas o bumaba depende sa kundisyon ng merkado.

4.2Dahil sa katunayan ang CFDs ay leveraged products, maaaring nakakatawag ng pansin ang CFD trading ngunit maaari naming hindi naangkop para sayo, kaya’t malayang payo ang kinakailangan. Ang mga potensyal na tubo ay dapat na may kaakibat na masinop na pamamahala ng panganib na dahil malaking pagkalugi ang maaaring mabuo sa loob ng isang maiksing panahon habang nagtitrade ng CFDs.

4.3 Hindi ka dapat magsimula ng kalakalan ng CFDs maliban lamang kung naiintindihan mo ang mga panganib na kasama nito.

5. PAGKAWALA NG KAPITAL

5.1 Ang CFDs ay isang leveraged products na kung saan, may kaakibat na mataas na antas ng panganib at maaaring magresulta sa pagkawala ng lahat ng iyong mga pinuhunang kapital. Gayunpaman, dapat tandaan na ang TheBullFx ay nagpapatakbo sa isang ‘proteksyong may negatibong balanse’ na batayan; ito ay nangangahulugan na hindi ka maaaring mawalan ng higit pa kaysa sa iyong paunang puhunan.

6. CREDIT RISK

6.1 WTuwing magt-trade ng CFD, epektibong makakapasok ka sa over- the- counter (OTC) na transaksyon; pinahihiwatig nito na anumang posisyong binuksan sa TheBullFx ay hindi maaaring i-close sa pamamagitan ng iba pang entity. Maaaring sangkot ang OTC transactions sa higit na panganib kung ihahambing sa mga transaksyon na nagaganap sa regulated markets, tulad na lang sa tradisyonal na palitan; ito ay dahil sa ang katunayan na sa OTC transaksyon, walang central counterparty at alinmang partido ng transaksyon ay taglay ang ilang credit risk (o risk of default).

7. LEVERAGE (OR GEARING)

7.1 Ang CFD trading, taliwas sa tradisyonal na kalakalan, ay binibigyan ka ng pagkakataong mag-trade sa market habang magbabayad lamang ng isang maliit na bahagi ng kabuuang halaga ng trade. Gayunpaman, dapat tandaan na ang leverage o gearing kung ito ay malimit na tawagin, ay nangangahulugan na ang medyo maliit na market movement ay maaaring humantong pa sa isang mas malaking movement batay sa halaga ng iyong posisyon.

7.2 Dapat isaisip na ang Firm ang magmo-monitor sa leverage na inilapat sa inyong posisyon, sa lahat ng oras; Isinasantabi ng Firm ang karapatang bawasan ang leverage depende sa dami ng iyong it-trade.

7.3 Para sa karagdagang detalye, sumangguni sa https://www.thebullfx.com

8. MARGIN ACCOUNT AT MGA REQUIREMENTS

8.1 Kailangan mong matiyak na mayroon kang sapat na margin sa iyong trading account, sa lahat ng oras, upang mapanatili ang iyong open position. Bilang karagdagan, kailangan ang patuloy mong pagsubaybay sa iyong open positions upang maiwasan ang pag-close ng iyong posisyon dahil sa kawalan ng pondo; dapat tandaan na ang Firm ay hindi mananagot sa pag-abiso sa iyo tungkol sa anumang naturang pangyayari.

8.2 Sa margin levels na 25 % para sa TheBullFx MetaTrader4 , ang Firm ay may karapatang na isara ang mga posisyon simula sa pinaka-hindi kumikita. Bilang karagdagan , sa margin level na 20% para sa TheBullFx MetaTrader4, awtomatikong sisimulan ng Kompanya ang pagsasara ng posisyon sa market price nito, mula sa pinaka hindi kumikita.

8.3 Sa margin level na 40 % para TheBullFx cTrader , ang Firm ang magpapasya kung sisimulan ang pagsasara ng posisyon sa Fair Stop Out. Para sa karagdagan , sa margin level na 30% para sa TheBullFx cTrader , awtomatikong sisimulan ng Kompanya ang pagsasara ng posisyon sa Fair Stop Out.

9. ABNORMAL MARKET CONDITIONS

9.1 Sa ilalim ng hindi normal na kondisyon ng market, maaaring magpabago-bago ang CFD nang napakabilis na sumalamin sa hindi mahulaang kaganapan at hindi maaaring ikontrol ng Firm o ikaw mismo. Bilang resulta, ang TheBullFx ay hindi maaaring e-execute ang iyong instruction sa mismong declared na presyo at ang ‘ stop loss’ na instruction mula sayo ay hindi makakagarantiya upang mapigilan ang iyong pagkatalo.

9.2 Ang presyo sa CFD ay naiimpluwensyahan ng; pagpapatupad sa pamahalaan , pang-agrikultura , komersyal at mga trade programs at mga patakaran sa nasyonal at internasyonal na sosyo-ekonomiko at pam-pulitikang kaganapan.

10. KONDISYON SA TRADING PLATFORM

1 Tinatanggap mo na ang tanging pagkukunan ng maaasahang presyo kaugnay sa impormasyon ay ang Presyong kinakatawan sa real/live server; ang serbisyong ito ay maaaring maputol na maaaring maging resulta ng hindi pag abot ng impormasyon ng presyo patungo sa kliyente.

10.2 Palaging sumagguni sa ‘Help’ menu o UserGuide ng trading platform; kung may umu-usbong na di-pagkakaunawaan, ang Service Agreement ang dapat manaig maliban na lang kung ito ay isaalang-alang ng TheBullFx ayon sa sarili nitong paghuhusga.

11. KOMUNIKASYON

11.1Ang TheBullFx ay walang pananagutan sa anumang pagkalugi na manggagaling bilang isang resulta ng pagkaantala o hindi pagtanggap ng komunikasyon na ipinadala sa iyo.

11.2 Bilang karagdagan, ang TheBullFx ay walang pananagutan sa anumang pagkawala na magmumula bilang isang resulta ng hindi encrypted na impormasyong ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng Firm na nabuksan sa pamamagitan ng di-awtorisadong paraan.

11.3 Ang TheBullFx ay walang pananagutan para sa anumang mga hindi natanggap o hindi pa nababasang mga panloob na mensahe na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng platform ng kalakalan; sakaling ang mensahe ay hindi natanggap o mabasa sa loob ng 7 araw ang mensahe awtomatikong tatanggalin.

11.4 Ikaw ay tanging responsable para sa seguridad ng anumang impormasyon na nakapaloob sa loob ng komunikasyon na natanggap sa pamamagitan TheBullFx.

11.5 Dagdag pa rito, tinatanggap mo na ang anumang pagkawala na magmumula bilang resulta ng hindi awtorisadong pag-access ng isang third party sa iyong trading account ay hindi ang responsibilidad ng TheBullFx.

12. PAGBUBUWIS

12.1 Kahit pamumuhunan sa CFDs ay hindi kabilang sa pagkuha ng pisikal na paghahatid ng kalakip na pinansyal na instrumento, indibidwal na payo sa buwis ay dapat na hinahangad, kung kinakailangan, upang maitaguyod kung ikaw ay napapailalim sa anumang buwis, kabilang ang stamp duty.

13. ACCOUNT REVIEW

13.1 Sa pamamagitan ng platform ng kalakalan, maaari mong suriin ang anumang ng iyong mga account, kabilang ang ngunit hindi limitado sa bukas at saradong posisyon. Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng TheBullFx Trader Room maaari mong pamahalaan ang iyong mga account at deposito o magwithdraw ng pera depende sa iyong mga pangangailangan sa kalakalan.

14. GASTOS AT IBA PANG MGA PAGSASAAALANG-ALANG

14.1 Bago ang kalakalan sa CFDs kailangan mong isaalang-alang ang mga gastos na kasangkot tulad ng spread(s) (kasama ang mark-up, kung naaangkop), komisyon(s) at swap(s). Hindi lahat ng mga gastos ay kinakatawan sa pera (halimbawa, mga gastos ay maaaring lumitaw bilang isang porsyento ng ang halaga ng isang CFD). Inilalaan ng TheBullFx ang karapatan upang baguhin, napapanahon, alinman sa mga gastos na naaangkop sa kalakalan ng CFDs; iyong nauunawaan at tinatanggap na ang pinakabagong impormasyon na may kaugnayan sa mga gastos ay matatagpuan sa TheBullFx sites.

15. SWAP VALUE

15.1 Ang swap ay ang interes na idinagdag o ibinabawas para sa mga humahawak ng isang posisyon na bukas magdamag. Depende sa posisyon hawak at ang mga halaga ng interes sa mga pares ng perang gamit sa transaksyon, ang iyong account ay maaaring mag-dagdagan (credit) o mabawasan (debit) nang naaayon. Ang iyong trading account ay tinutugma araw-araw sa ganap na 23:59:31 (server time) at ang mga nagresultang halaga ay awtomatikong napapalitan sa pera na ginagamit sa kalakalan.

Ang swap para sa isang posisyong binuksan ng Miyerkules at iniwang bukas magdamag ay tatlong beses na ng iba pang mga araw; ang dahilan para dito ay ang halaga ng petsa ng isang kalakalang bukas magdamag ng Miyerkules ay ginagawa ng dapat ay para sa Sabado, ngunit dahil ang mga bangko ay sarado, tuwing Lunes ay nagkakaroon ng dalawang araw na halaga ng interes. Mula Biyernes hanggang Lunes ang swap ay sisingilin ng isang beses. Mangyaring tandaan na ang rollover rate ng interes na sisingilin sa pamamagitan TheBullFx ay ayon sa mga rate interbank; at binabago ng TheBullFx ang rollover rate ng interes nang mas madalas hangga’t sa palagay nito ay kinakailangan. Sumasang-ayon ka na ikaw ay maabisuhan ng mga naaangkop na halaga ng swap sa pamamagitan ng pagbisita sa TheBullFx site. Bilang karagdagan, responsibilidad mong suriin ang mga naaangkop na halaga swap bago umpisahan ang kalakalan.

 

Symbol Bid Ask Spread
EURUSD 1.11524 1.11542 1.8
GBPUSD 1.28998 1.29023 2.5
USDCAD 1.34919 1.34941 2.2
USDJPY 112.164 112.184 2
USDCHF 1.02036 1.02061 2.5
AUDUSD 0.70116 0.70135 1.9
NZDUSD 0.65883 0.65906 2.3
EURGBP 0.86443 0.86467 2.4
EURCHF 1.13804 1.13830 2.6
EURJPY 125.101 125.121 2
AUDJPY 78.593 78.617 2.4
GBPJPY 144.703 144.729 2.6
USDSGD 1.36186 1.36209 2.3
XAUUSD 1275.57 1275.86 29
XAGUSD 14.928 14.956 2.8

Disclaimer

The above live prices are provided solely for informational purposes, not for trading purposes, and may be delayed.